Ang mga lugar ay pawang mga lugar
lamang . Ang mga parke, pasyalan, ang mga kalsada para sa sasakyan. Ang mga puno
para sa lilim. Ang mga post eng ilaw para sa dilim. Ang mga lugar ay pawang mga
lugar lamang. Wag na wag kang magkakamali na hanapin maski na anino niya sa
tabi mo o ang mga hakbang ng paa nya na dati’y sumasabay sa iyo. Walang kinalaman
ang paglubog ng araw sa init ng kaniyang kamay o ang simoy ng hangin sa ginhawa
ng kaniyang akbay. Ang huni ng mga ibon sa inyong
tawa. wala na siya. Wala na siya. Ito ang napatunayan ko, kaya mong kabisahin
ang bawat liko ng isang syudad nang hindi mo ito tinuturing na tahanan. Ang mga
lugar ay pawang lugar lamang hanggang sa magkasama niyo na minasdan ang mga
ito. Ang mga simentong sahig ay mananatiling tahimik kung hindi niyo dito isinulat
ang inyong mga kwento, ang inyong mga pangako. Ang mga problemang binuno. Paulit-ulit.
Paulit-ulit. Paulit-ulit kong ipapaalala sa sarili ko ang bawat kanto na
pinalampas, ang bawat sulok na wala pa kahit isa mong bakas. Ang iyong ngiti, ang iyong muka. Ang iyong
ulo sa aking dibdib. Maglalaboy ako hanggang sa
maligaw ako sa syudad. Itong nakasanayan kong pag ibig. Maglalaboy ako hanggang
sa maligaw ko itong nakasanayan kong pag-ibig. Maglalaboy ako hanggang sa
matanggap ko itong mga lugar na pawang mga lugar lamang at hindi tahanan ng mga
alaala mo.
-(Effort sa pagtytype habang nakikinig :)
-(Effort sa pagtytype habang nakikinig :)