Friday, January 22, 2016

JUAN MIGUEL SEVERO – On the Wings of Love

Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang . Ang mga parke, pasyalan, ang mga kalsada para sa sasakyan. Ang mga puno para sa lilim. Ang mga post eng ilaw para sa dilim. Ang mga lugar ay pawang mga lugar lamang. Wag na wag kang magkakamali na hanapin maski na anino niya sa tabi mo o ang mga hakbang ng paa nya na dati’y sumasabay sa iyo. Walang kinalaman ang paglubog ng araw sa init ng kaniyang kamay o ang simoy ng hangin sa ginhawa ng kaniyang akbay. Ang huni ng mga ibon sa inyong tawa. wala na siya. Wala na siya. Ito ang napatunayan ko, kaya mong kabisahin ang bawat liko ng isang syudad nang hindi mo ito tinuturing na tahanan. Ang mga lugar ay pawang lugar lamang hanggang sa magkasama niyo na minasdan ang mga ito. Ang mga simentong sahig ay mananatiling tahimik kung hindi niyo dito isinulat ang inyong mga kwento, ang inyong mga pangako. Ang mga problemang binuno. Paulit-ulit. Paulit-ulit. Paulit-ulit kong ipapaalala sa sarili ko ang bawat kanto na pinalampas, ang bawat sulok na wala pa kahit isa mong  bakas. Ang iyong ngiti, ang iyong muka. Ang iyong ulo sa aking dibdib. Maglalaboy ako hanggang sa maligaw ako sa syudad. Itong nakasanayan kong pag ibig. Maglalaboy ako hanggang sa maligaw ko itong nakasanayan kong pag-ibig. Maglalaboy ako hanggang sa matanggap ko itong mga lugar na pawang mga lugar lamang at hindi tahanan ng mga alaala mo.


-(Effort sa pagtytype habang nakikinig :)