"Just a school requirement"
I
Sa dami-dami ng tao sa mundong ‘to,
Sa dami-dami ng tao sa mundong ‘to,
Swerte mo dahil ikaw ang napili ko;
Ngunit saan ba kita unang nakita?
Paano nga ba tayo nagkakilala?
II
Sa paaralan ang pagkakatanda ko,
Sa siksikan at napakaraming tao;
Dito nasumpungan ang unang batian
Naging simula ng mabuting samahan.
III
Tuwing kailangan ko ang iyong tulong,
Di payag na mabagal tulad ng pagong;
Lagi kang handang handa magsakripisyo
Para tulungan ako sa problema ko.
IV
Samahang ‘di matutumbasan ninu man,
Asara’t kulitang ‘di mababayaran;
Kasama sa kalokoha’t kalungkutan
Karamay ko ang tunay na kaibigan.
V
Sakali mang kailangan maghiwalay,
Ikaw pa rin ang kaibigan habang buhay;
Huwag mo sana akong kalilimutan
Kung ayaw mong ikaw ay aking batukan.