/03212015/ 9:45PM
Madalas hindi naman kailangan lagi magrequest at magmando ng gusto mo mangyari sa isang tao. Mas masaya kasi kung may pagkukusa siya. Yun tipong may sariling diskarte kung paano ka mapapasaya. Kung paano masasatisfy yung happiness mo. Nakakasawa din kasi yung lagi kang maghihintay sa pangakong mas madalas pa mapako. Sabi nga ng marami, masarap sa feeling kapag may "element of surprise." Walang oras, walang araw na inaabangan. Walang bagay na inaasahang dadating. Walang taong hinihintay dumating. Ako aaminin ko, ayoko ng mga surpresa pero masarap sa pakiramdam kapag andon na sa pagkakataon na yon. Kasi alam mo sa sarili mo, na yun taon nagbigay at nagplano ng lahat, ginawa ang lahat para mapasaya ka. Yun ang punto ng mga pinagsasasabi ko. Walang nagpapaasa, walang umaasa. Walang nangako, walang naghintay. Lahat ay dahil sa may nagkusa. Oo. "Q-SA". Hindi naman nagrequest na gawin kang masaya pero nangyari .